Hinimok kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang Palestina at Israel na huwag isagawa ang unilateral na aksyon na posibleng makahadlang sa pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan ng dalawang bansa.
Sa isang pahayag na ipinalabas sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpahayag si Ban ng kanyang lubos na pagkabahala sa prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel. Aniya, sa kasalukuyan, dapat isipin ng Palestina at Israel kung papaanong panatilihin ang pag-asa para sa paglutas ng isyu ng dalawang bansa. Nanawagan din si Ban sa komunidad ng daigdig, na tumalima sa pangako na pasulungin ang pagkakaroon ng komprehensibong solusyon, para sa kapayapaan ng Gitnang Silangan.
Salin: Liu Kai