Ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mainit na tinatanggap ng kanyang bansa ang pag-aanyaya ng Malaysia ng iba't ibang panig ng komunidad ng daigdig na buuin ang nagsasariling grupong tagapagsiyasat, para isagawa ang malalimang imbestigasyon sa insidente ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Dagdag pa ni Qin, patuloy at aktibong lalahok ang Tsina sa follow-up search ng MH370, at magbibigay-tulong sa may kinalamang imbestigasyon.
salin:wle