Ipinahayag kahapon ng China Maritime Search and Rescue Center na puspusang lalahok ang Tsina sa susunod na yugto ng paghahanap sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines na ang priyoridad ay paghahanap sa ilalim ng dagat.
Isinalaysay ni Wang Zhenliang, Pangalawang Puno ng naturang sentro, na naglalayag ngayon sa katimugan ng Indian Ocean ang Navy Ship-872 ng Tsina na may mas malakas na kakayahan sa pagmomonitor sa ilalim ng dagat. Inaasahang makakarating ang bapor na ito sa ika-10 ng buwang ito, para lumahok sa operasyon ng paghahanap.
Sinabi rin ni Wang na bilang tugon sa pagiging mas mahirap at mas matagal ng susunod na yugto ng paghahanap, idaraos sa malapit na hinaharap ng Tsina, Malaysia, at Australya ang isang pulong na ministeryal, para pag-aralan ang konkretong plano ng naturang yugto ng paghahanap.