Sa pangkagipitang pulong na idinaos kahapon ng UN Security Council hinggil sa kalagayan ng Ukraine, sinabi ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat pasulungin ang pulitikal na paglutas sa krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng diyalogo, sa halip ng komprantasyon.
Ipinahayag din ni Liu ang pag-asa ng Tsina na igigiit ng iba't ibang may kinalamang panig ang diyalogo at pagsasanggunian, at ipapatupad ang narating na komong palagay hinggil sa mga hakbangin ng pagpapahupa ng kalagayan ng Ukraine. Dagdag pa niya, patuloy na kakatigan ng Tsina ang pandaigdig na medyasyon para sa isyu ng Ukraine.