Nasunog na gusali, pagkaraan ng sagupaan
Naganap kahapon sa Odessa, lunsod sa katimugan ng Ukraine, ang marahas na sagupaan sa pagitan ng mga mamamayang maka-pamahalaan at kontra-pamahalaan. Sa kainitan ng sagupaan, isang gusali ang sinunog. Ito ay ikinamatay ng 43 katao, at ikinasugat ng 174 iba pa.
Kaugnay nito, kinondena ngayong araw ng Ministring Panlabas ng Rusya ang insidenteng ito. Anito, ang mga mamamayang kontra-pamahalaan ay humihiling lamang ng reporma, pero nakipagsabuwatan ang pamahalaan ng Ukraine sa mga ekstrimista para salakayin ang mga mamamayang laban sa pamahalaan, at nagdulot ito ng marahas na insidente.