Ayon sa ulat kahapon ng panig opisyal ng Timog Korea, hanggang sa kasalukuyan, 228 tao ang kumpirmadong nasawi sa paglubog ng ferry boat "Sewol," at 74 iba pa ang hindi pa nakikita.
Sa mga may kinalamang ulat, ayon sa isang public opinion survey na ipinalabas kahapon, ipinalalagay ng 82% ng mga kinapanayam na mamamayang T.Koreano na hindi maayos ang paghawak ng pamahalaan ng T.Korea sa aksidente ng Sewol. Dahil dito, bumaba ng 11% ang supporting rate kay Park Geun-hye, Pangulo ng T.Korea.
Samantala, ipinahayag nang araw ring iyon ni Park Geun-hye na mayroon siyang plano na pormal na humingi ng paumanhin sa mga mamamayan kaugnay ng nabanggit na aksidente, pagkaraang matapos ang gawain ng paghahanap at pagliligtas.