Sinimulan kahapon ang Balikatan 2014, taunang magkasanib na pagsasanay militar ng Pilipinas at Amerika. Kalahok sa dalawang linggong pagsasanay na ito ang halos 5500 sundalo mula sa mga tropang Pilipino at Amerikano.
Ayon sa panig militar ng Pilipinas, idaraos ang kasalukuyang pagsasanay sa iba't ibang lugar sa dakong kanluran at hilaga ng bansa na kinabibilangan ng Zambales at rehiyong pandagat ng Palawan. Ang mga nilalaman ng pagsasanay ay sumasaklaw sa maritime surveillance, live fire drills, humanitarian civic and disaster response, at iba pa.
Salin: Liu Kai