Kinatagpo kahapon ni Xu Ningning, Executive Deputy Secretary-General of China-ASEAN Business Council ang delegasyong pinamumunuan ni Surin Pitsuwan, dating Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng ASEAN at tagapangulo ng Advisory Board ng Asya ng Global Coalition for Efficient Logistics (GCEL).
Isinalaysay ni Surin Pitsuwan ang katuturan ng pagtatatag ng GCEL at nagpahayag na patataasin ng isang mabuting sistema ng logistics ang episensiya, transparency at seguridad ng kalakalang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Xu na kung gustong marating ang 1 trilyong dolyares na target ng Tsina at ASEAN sa kalakalan, kailangan ang isang serye ng malikhaing kooperasyon. At ang GCEL na binubuo ng logistics, electronic business, bangko at insurance ay makakabuti sa pagpapahigpit ng kaunlarang pangkalakalan ng makabilang panig.