|
||||||||
|
||
Kahapon, binigkas ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang talumpating may paksang "Paglikha sa mas Magandang Pagtutulungan ng Tsina at Aprika sa Hinaharap," sa punong himpilan ng African Union(AU) sa Addis Ababa, Ethiopia. Sinabi ni Premyer Li na igigiit ng Tsina ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay; pagkakaisa at pagtitiwalaan sa isa't isa; inklusibong pag-unlad; at pagtutulungang may inobasyon.
Sinabi ni Li na pasusulungin ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Aprika sa larangan ng industriya, pinansiya, pagbabawas sa karukhaan, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, people-to-people exchanges, at kapayapaan at seguridad. Aniya, pabubutihin ng Tsina ang plataporma ng China-Africa Cooperation Forum, para ibayo pang pasulungin ang tradisyonal na relasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag naman nina Punong Ministrong Hailemariam Dessalegn ng Ethiopia at Tagapangulong Nkosazana Dlamini-Zuma ng AU Commission, na positibo sila sa ideya ng Premyer Tsino hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at Aprika. Nakahanda aniya silang magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang relasyong Sino-Aprikano sa bagong antas.
Nang araw ring iyon, bumisita rin ang Premyer Tsino sa eksibisyon ng daambakal at abiyasyon ng Tsina at light railway project sa Addis Ababa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |