Ngayong araw, batay sa hatol ng Hukuman ng Thailand, ang kaso ni Yingluck Shinawatra ay ipinasiyang lumabag sa konstitusyon, kaya aalisin sa tungkulin si Yingluck Shinawatra bilang Punong Ministro ng Caretaker Government at maging ang tungkulin ng iba pang 9 na miyembro ng cabinet na sangkot sa naturang kaso.
Ang naturang paghatol ng Thailand ay sumasagisag sa pormal na pagbaba sa kapangyarihan ni Yingluck Shinawatra. At hindi pagkumpirma sa kanyang kandidatura bilang PM sa susunod na halalan. Ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na pipiliin ang susunod na PM sa pagitan ng kasalukuyang mga pangalawang PM na hindi lumabag sa konstitusyon.
Salin:Sarah