Nag-usap kahapon sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Goodluck Jonathan ng Nigeria hinggil sa kooperasyon ng dalawang panig sa kalakalan at pamumuhunan.
Sa pag-uusap, sinabi ng Premyer Tsino na nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Nigeria, para mapatibay ang pagtitiwalaan, mapalawak ang kooperasyon, at mapalalim ang pagpapalitan ng dalawang bansa. Palalakasin din aniya ng Tsina ang pakikipagkoordinahan at pakikipagtulungan sa Nigeria sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig upang magkakasamang mapangalagaan ang kapakanan ng mga umuunlad na bansa, at ibayo pang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Jonathan ang ibinibigay na tulong ng Tsina sa kanyang bansa at buong Aprika sa mahabang panahon.