Sa Abuja — Magkahiwalay na kinatagpo kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sina Pangulong Jakaya Kikwete ng Tanzania at Pangulong Boni Yayi ng Benin na dumalo sa Africa Summit ng Ika-24 na World Economic Forum.
Sa kaniyang pakikipagtagpo sa Pangulo ng Tanzania, sinabi ni Li na nakahanda ang bansang Tsina na pasulungin ang mga kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang panig sa mga larangan na gaya ng pulitika, kabuhayan, at kultura.
Sa kanyang pakikipagtagpo naman sa Pangulo ng Benin, nagpahayag ng pag-asa si Li na maayos na mapapasulong ng dalawang panig ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura at kalakalan.