Sa kanyang pagdalo sa Africa Summit ng Ika-24 na World Economic Forum (WEF) kahapon, magkahiwalay na kinatagpo ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sina Pangulong Faure Essozimna Gnassingbé ng Togo at Punong Ministro Moussa Mara ng Mali.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa Pangulo ng Togo, sinariwa ni Li ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng Tsina at Togo. Nakahanda aniyang ibayo pang pasulungin ng Tsina, kasama ng Togo, ang kanilang pagkakaibigan, mga kooperasyon sa imprastruktura, transportasyon, at kalakalan.
Sa kanya namang pakikipagtagpo sa PM ng Mali, ipinahayag ni Li ang pagkatig ng bansang Tsina sa pagsisikap ng Mali para mapangalagaan ang kabuuan ng teritoryo at soberanya. Aniya pa, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang panig sa agrikultura, koryente, komunikasyon, at imprastruktura.