Kaugnay ng pahayag ng panig Amerikano na isasagawa umano ang sangsyon sa Rusya kung kikilalanin ng Rusya ang pagiging legal ng reperendum sa dakong silangan ng Ukraine, sinabi kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinababahala ng kanyang bansa ang kasalukuyang kalagayan ng Ukraine.
Nanawagan din si Hua sa iba't ibang may kinalamang panig sa isyu ng Ukraine, na magtimpi batay sa mga nagkakaisang posisyon na narating ng Amerika, Unyong Europeo, Rusya at Ukraine sa Geneva para iwasan ang paglalala ng kalagayan. Aniya pa, kailangan ding simulan ang diyalogong pulitikal sa lalong madaling panahon upang mapahupa ang tensyon sa bansang ito.