|
||||||||
|
||
Si Ye Htut, Presidential Spokesman ng Myanmar
Sa isang panayam kamakailan, binigyang-diin ni Ye Htut, Presidential Spokesman ng Myanmar, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, na noong nakaraan man o sa hinaharap, ang Tsina ay laging mahalagang puwersa para sa kaunlaran at katatagan ng ASEAN.
Sinabi ni Ye Htut na ang Tsina ay mahalagang katuwang na pangkalakalan ng ASEAN. Ito rin aniya ay pangunahing bansang namumuhunan sa mga bansang ASEAN, at itinatag ng Tsina at ASEAN ang malayang sonang pangkalakalan na may napakalaking populasyon. Aniya, ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga bansang ASEAN.
Dagdag niya, kinakatigan ng Myanmar ang "2 plus 7" puntong balangkas na pangkooperasyon na iniharap ng Tsina sa Summit ng ASEAN at Tsina noong isang taon. Aniya, ipinalalagay ng Myanmar na ito ay makakatulong sa pag-unlad ng ASEAN at magpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga bansang ASEAN.
Sinabi rin ni Ye Htut na umiiral ang pagkakaiba sa pagitan ng ilang bansang ASEAN at Tsina, pero ito ay isyu sa loob ng rehiyong ito, at dapat sariling lutasin ng mga bansang ASEAN at Tsina. Dagdag pa niya, mahalaga ang paggigiit ng iba't ibang panig sa paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng mapayapang paraan at talastasan.
Nakatakdang idaos bukas at samakalawa ang Ika-24 na ASEAN Summit sa Naypyidaw, Myanmar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |