Ayon sa ulat kahapon ng Japanese media, sa kanyang isinaling katha, dinagdagan ni Hiroyuki Fujita, isang Japanese right-wing literati, ang nilalaman ng isang katha hinggil sa WW II. Ayon pa sa ulat, sa kanyang salin, pinabulaanan niya ang "Nanjing Massacre." Hiniling naman ng orihinal na may-akda sa naturang tagapagsalin at publishing house na gumawa ng rebisyon sa kamaliang ito.
Ayon sa ulat, si Henry Scott Stokes, ang orihinal na may-akda ng aklat na isinalin ni Hiroyuki Fujita. Siya minsan ay nagtrabaho sa Hapon sa mahabang panahon. Noong Disyembre ng nagdaang taon, nailabas ang kanya aklat na nagpapakita ng opinyong historikal tungkol sa WW II. Hanggang sa kasalukuyan, halos 100 libong ganitong aklat ang nabili na.
Salin: Li Feng