Bilang bahagi ng 2014 Balikatan Exercises, inilunsad kahapon sa San Antonio, Zambales ng mahigit 80 sundalo ng hukbong pandagat ng Pilipinas at 40 sundalo ng Marine Corps ng Amerika ang isang beach assault exercise.
Ang lugar na pinagdausan ng pagsasanay na ito ay nasa baybayin ng South China Sea. Kaugnay nito, ipinahayag ng isang komander ng tropang Amerikano na ang siyang tanging layunin ng Balikatan Exercises ay palakasin ang kakayahan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino, at wala itong kaugnayan sa anumang current affairs sa daigdig.