Pagkaraang maalis sa puwesto si Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng caretaker government ng Thailand, muling idinaos kahapon ng mga protestor na kontra-gobyerno ang malawakang demonstrasyon sa iba't ibang lugar ng Bangkok na gaya ng istasyon ng telebisyon, tanggapan ng punong ministro, punong himpilan ng Royal Thai Police, at iba pa. Hiniling nila sa caretaker government na bumaba sa kapangyarihan.
Si Suthep Thaugsuban, lider ng demonstrasyong kontra-gobyerno, ay lumahok sa demonstrasyon sa harapan ng tanggapan ng punong ministro. Nanawagan siya para sa pagbuo ng pansamantalang pamahalaan at legislative assembly sa loob ng darating na ilang araw, para mapasulong ang repormang pulitikal ng bansa.
Ginamitan naman ng mga pulis ng tear gas ang mga demonstrador, na ikinasugat ng di-kukulangin sa limang katao.