|
||||||||
|
||
Sa news briefing pagkatapos ng pag-uusap kahapon nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya, sinabi ni Li na ang kalakalan at pamumuhunan ay mahalagang pundasyon ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Aniya pa, ang kalagayang pangkalakalan ng dalawang bansa ay bunga ng sariling pagtakbo ng pamilihan, at sa mula't mula pa'y walang balak ang pamahalaang Tsino na magkaroon ng trade surplus ang Tsina sa kalakalan nito sa Kenya.
Bukod dito, sinabi ni Li na nakahanda ang pamahalaang Tsino na padaliin ang proseso ng pagluluwas ng Kenya ng mga paninda sa Tsina, at tulungan ang pagtaas ng antas ng industriya ng Kenya.
Sinabi ni Uhuru Kenyatta na ang kooperasyon ng Kenya at Tsina sa kabuhayan at kalakalan ay nagpasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Kenya. Nakahanda aniya siyang isagawa, kasama ng Tsina, ang mas malawak na kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Bukod dito, ipinahayag niya ang mainit na pagtanggap sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakalal ng Tsina.
Sa kanilang pag-uusap, tinalakay din nila ang bilateral na relasyon ng Tsina at Kenya, at mga kooperasyon sa pinansya, enerhiya at imprastruktura.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |