|
||||||||
|
||
Ayon sa Indonesia News Agency, kinumpirma kahapon ng Consulate ng Indonesia sa Jeddah, Saudi Arabia, na nahawa sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) ang isang 84 na taong-gulang na lalaki mula sa South Sulawesi ng Indonesia.
Noong ika-15 ng nagdaang Abril, dumating ng Saudi Arabia ang naturang lalaki para mag-pilgrimage. Nakatakda siyang bumalik sa Indonesia sa ika-25 ng Abril, ngunit bago lumisan, nakaramdam siya ng sakit sa kanyang dibdib. Pagkaraang isugod sa ospital, nakumpirmang nahawahan siya ng MERS. Kasalukuyan siyang nagpapagamot nang mag-isa.
Ayon kay Ali Gufron, Pangalawang Ministro ng Kalusugan ng Indonesia, sa kasalukuyan, wala pang kumpirmadong kaso ng MERS sa loob ng Indonesia.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |