Binuksan kahapon sa Chengdu, punong lunsod ng lalawigang Sichuan ng Tsina, ang serye ng aktibidad ng Ika-2 ASEAN 10+3 Village Official Exchange Program. Lumahok dito ang mga kinatawang may kinalaman sa agrukultura at kanayunan mula sa Biyetnam, Laos, Myanmar, Thailand, Indonesya, Malaysia, Singapore, at Pilipinas. Makikipagpalitan sila ng palagay sa mga dalubhasa sa larangan ng agrikultura at mga village official ng Tsina.
Sa seremonya ng pagbubukas ng nasabing programa, ipinahayag ni Edgar G. Pato, isang opisyal ng Sekretaryat ng ASEAN, na umaasa siyang babahaginan ng mga taong nagtatrabaho sa kanayunan ang kani-kanilang mga karanasan ng pagpapaunlad at aksyon para sa pagbawas sa kahirapan, para makalikha ng isang pantay, makatarungan, at mapayapang daigdig.
Salin: Andrea