|
||||||||
|
||
Ayon sa magkasanib na pahayag na ipinalabas kahapon ng Unyong Europeo (EU) at Ukraine, pabibilisin ng dalawang panig ang proseso ng talastasan hinggil sa Association Agreement.
Nang araw rin iyon, nag-usap sa Brussels sina José Manuel Durão Barroso, Tagapangulo ng Komisyon ng EU, at Pangulong Seniy Yatseniuk ng Ukraine.
Anang pahayag, buong sikap na mararating ang nagkakaisang posisyon ng dalawang panig sa mga natitirang tadhana sa Association Agreement na gaya ng malayang sonang pangkalakalan.
Bukod dito, nanawagan ang dalawang panig sa iba't ibang panig na huwag isagawa ang mga walang kabagay-bagay na pakiki-alam sa halalang pampanguluhan ng Ukraine na idaraos sa ika-25 ng buwang ito.
Kaugnay ng isyu ng pagsuplay ng enerhiya sa Ukraine, hindi isinagawa ng EU ang anumang pangako. Ipinahayag ng EU na ipagkakaloob nito ang enerhiya sa Ukraine batay sa presyo sa pamilihan.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |