Sa isang preskong idinaos kahapon dito sa Beijing, ipinahayag ni Zhu Guangyao, Pangalawang Ministro ng Pinansyo ng Tsina, na kasabay ng pagpapasulong ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma, lalo pang pauunlarin at palalakihin ang kabuhayan ng Tsina. Sa darating na 10 taon, mapapanatili ang 7%-8% na kabilisan ng paglaki ng kabuhayang Tsino.
Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Henan kamakailan, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hindi babagihin ang pundamental na kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at dapat igiit ang patakaran ng pagpapaunlad ng kabuhayan batay sa katatagan. Ipinahayag ni Zhu Guangyao na ang naturang pagsasabi ay autorisadong pahayag ay ayon sa kasalukuyang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Salin:Sarah