|
||||||||
|
||
Sa pulong na ito, ipinahayag ni Oleksander Turchynov, umaaktong Pangulo at Ispiker ng Parliamento ng Ukraine, ang kahandaan ng pamahalaan at parliamento na isagawa ang lubos na reporma sa sistemang administratibo ng bansa. Sinabi naman ni Arseniy Yatsenyuk, Punong Ministro ng Ukraine, na ang kasalukuyang pinaka-pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayan at paglaban sa korupsyon.
Iminungkahi naman ng mga kinatawan mula sa Donetsk, lunsod sa silangang Ukraine, na magpadala ang sentral na pamahalaan ng working group sa kanilang lugar para suriin ang kalagayan sa lokalidad, at isagawa ang diyalogo.
Samantala, sa isang may kinalamang ulat, kaugnay ng plano ng pagdaraos ng halalang pampanguluhan ng Ukraine sa ika-25 ng buwang ito, sinabi kahapon ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, na dahil patuloy pa rin ang karahasan sa Ukraine, hindi magiging lehitimo ang naturang halalan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |