Binuksan ngayong araw sa Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina ang ika-8 Pan-Beibu Gulf Economic Cooperation Forum.
Lumahok sa porum na ito ang mahigit 500 kinatawan na kinabibilangan ng mga pulitiko, dalubhasa at mangangalakal ng Tsina at mga bansang ASEAN, para talakayin ang mga kooperasyon ng dalawang panig hinggil sa Maritime Silk Road.
Ang naturang porum ay itinaguyod sa ilalim ng balangkas ng komprehensibong kooperasyon ng Tsina at ASEAN para mapasulong ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN na nasa paligid ng Beibu Gulf sa mga larangan na gaya ng puwerto, pinansiya, turismo, at kultura.