Sinabi kahapon ni Cheng Guoping, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na si Pangulong Xi Jinping ay mangungulo sa Ika-4 na Summit ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA) na idaraos sa Shanghai mula ika-20 hanggang ika-21 ng buwang ito.
Isinalaysay din ni Cheng na hanggang sa kasalukuyan, kumpirmadong lalahok sa nabanggit na summit ang mga lider, namamahalang tauhan, o kinatawan mula sa 46 na bansa at organisasyong pandaigdig. Kabilang dito aniya ay labing-isang puno ng estado, dalawang puno ng pamahalaan, at sampung namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig.
Salin: Liu Kai