|
||||||||
|
||
Sina Fang Fenghui at Martin Dempsey
Nag-usap kahapon sa Pentagon sina Fang Fenghui, dumadalaw na Puno ng General Staff ng People's Liberation Army ng Tsina, at ang kanyang counterpart na Amerikano na si Martin Dempsey.
Nagpalitan ng palagay ang dalawang heneral hinggil sa relasyon ng Tsina at Amerika, relasyon ng mga tropa ng dalawang bansa, isyu ng paglaban sa terorismo, isyu ng pirata, isyu ng Diaoyu Islands, isyu ng South China Sea, at iba pa. Nagkaroon din sila ng komong palagay sa anim na aspekto na gaya ng pagsasagawa ng mas maraming pagsasanay hinggil sa humanitarian rescue and disaster relief at mas maraming magkasanib na live drill, at patuloy na pagpapasulong sa mekanismo ng pagpapalitan at pagdiyalogo ng mga hukbong panlupa ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |