Sa panahon ng kanyang paglahok sa pulong ng mga ministro ng kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation sa Qingdao, nakipag-usap si Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, sa ministro ng kalakalan at industriya ng Biyetnam, hinggil sa pang-aatake ng mga mamamayang Biyetnames sa mga bahay-kalakal na Tsino sa kanilang bansa.
Hiniling ni Gao sa panig Biyetnames na isagawa ang mabisang hakbangin para mapigilan ang lahat ng mga marahas na aksyon, igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino at ari-arian ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Biyetnam, buong lakas na ipagamot ang mga nasugatan, agarang imbestigahan ang mga marahas na insidente, iharap sa batas ang lahat ng mga maykagagawan, at magbigay ng kompensasyon sa mga apektadong bahay-kalakal at indibiduwal na Tsino.
Salin: Liu Kai