|
||||||||
|
||
Kamakailan, naganap ang grabeng marahas na insidente na nakatuon sa mga dayuhang mangangalakal at bahay-kalakal sa Biyetnam. Naapektuhan sa iba't-ibang antas ang mga bahay-kalakal at tauhan ng Tsinong bahay-kalakal ng Taiwan, Hong Kong, at mga bahay-kalakal ng Singapore at Timog Korea, at idinulot ang kapinsalaan sa buhay at ari-arian. Ayon sa inisyal na estadistika, isang mamamayang Tsino ang kumpirmadong namatay, at nasugatan ang mahigit 100 iba pa.
Kaugnay nito, nakipag-usap sa telepono kagabi si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam. Sa ngalan ng Pamahalaang Tsino, nagpahayag si Wang ng mahigpit na kondemnasyon at nagharap ng solemnang protesta sa panig Biyetnames.
Sinabi naman ni Pham Binh Minh na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang naturang pangyayari. Isasagawa aniya ng panig Biyetnames ang lahat ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga tauhan at organo ng Tsina sa Biyetnam.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |