Kumpirmado ang listahan ng mga nasawi sa insidente ng bumagsak na eroplano na naganap kaninang umaga sa lalawigang Xiengkouang sa dakong Hilaga ng Laos.
Ang naturang mga nasawi ay kinabibilangan nina Douangchai Phichith, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulan ng Laos, Thongbanh Sengarkhoum, Ministro ng Seguridad na Pampubliko, Jeuang Soumbounkhan, Ministro ng Komunikasyon ng People's Revolutionary Party ng Laos, at Sugan mahalath, Alkalde ng Vientiane.
Ayon sa ulat, lulan ng naturang eroplano ang 17 na pasahero. Pagkaraang bumagsak ang eroplano, nakaligtas ang 3 pasahero at isinugod sa ospital, pero namatay din ang dalawa sa kanila dahil sa napakalubhang sugat.