Ayon sa Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, ipinadala ngayong araw ng panig Tsino ang limang bapor patungo sa Biyetnam, para ilikas ang mga mamamayang Tsino na apektado sa mga marahas na insidente sa nasabing bansa.
Sakay ng chartered flight na inihanda ng pamahalaang Tsino, dumating naman kaninang madaling araw sa Chengdu, lunsod sa timog kanluran ng Tsina, ang isang grupo ng mga nasugatang Tsino sa nabanggit na mga insidente sa Biyetnam.
Nauna rito, sinabi kagabi ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagkaraang maganap sa Biyetnam ang mga marahas na pag-atake na nakatuon sa mga dayuhang bahay-kalakal, agarang inilikas ng panig Tsino ang mahigit tatlong libong tao mula sa Biyetnam.