Kaugnay ng pagkaganap ng mga marahas na pag-atake sa Biyetnam na nakatuon sa mga dayuhang bahay-kalakal at tauhan, at pagdudulot nito ng kasuwalti sa mga mamamayang Tsino, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinalabas na ng kanyang bansa ang travel alert laban sa Biyetnam, at iminungkahi sa mga mamamayan na huwag munang pumunta sa naturang bansa.
Dagdag pa ni Hong, suspendido na rin ang ilang plano ng bilateral na pagpapalagayan ng Tsina at Biyetnam. Aniya, pinag-aaralan ng Tsina ang kalagayan sa Biyetnam, para ipasiya kung magsasagawa o hindi ng ibayo pang mga hakbangin.