|
||||||||
|
||
Sinabi rin ni Qin na ang Tsina ay matatag na tagapagtanggol ng cyber security. Aniya, hinding hindi lumalahok ang mga tauhan ng pamahalaan o tropa ng Tsina sa cyber economic espionage. Dagdag pa niya, walang kabata-batayan ang nabanggit na akusasyon ng panig Amerikano.
Bilang tugon din sa pangyayaring ito, ipinatawag naman kagabi ni Zheng Zeguang, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, si Max Baucus, Embahador ng Amerika sa Tsina. Ipinahayag ni Zheng na ipinakikita ng naturang pangyayari na kulang sa katapatan ang panig Amerikano sa pakikipagkooperasyon sa Tsina para sa paglutas ng isyu ng cyber security. Aniya, ipinasiya ng panig Tsino na suspendihin ang takbo ng cyber working group ng dalawang bansa, at gagawa ng ibayo pang reaksyon batay sa pag-unlad ng pangyayaring ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |