Idinaos kaninang umaga sa Shanghai ang Ika-4 na Summit ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA). Nangulo sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at bumigkas siya ng talumpati na nagsalaysay ng mga palagay ng panig Tsino sa kalagayang panseguridad ng Asya.
Tinukoy ni Xi na dapat aktibong pasulungin ng mga bansang Asyano ang komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng kaligtasan sa rehiyon at likhain ang isang bagong ideyang panseguridad na may win-win situation.
Sinabi pa ni Xi na sa mula't mula pa'y, aktibong pinapasulong ng Tsina ang pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon at buong daigdig. Pahihigpitin aniya ng Tsina kasama ng iba pang bansa, ang diyalogo at pagtutulungan, magkakasamang tatalakayin at hahanapin ang rehiyonal na prinsipyong panseguridad at magsisikap para maging magtiwalaan, at maging pantay-pantay na katuwang ang lahat ng bansang Asyano.