|
||||||||
|
||
Pinangunahan kagabi sa Shanghai ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang bangketeng panalubong para sa mga kalahok sa ika-4 na Summit ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA).
Sa kanyang talumpati sa bangkete, sinabi ni Xi na bilang isang porum hinggil sa isyung panseguridad, malawak at maganda ang kinabukasan ng CICA sa pagtitipon ng nagkakaisang posisyon ng mga bansang Asyano, pagpapasulong ng diyalogo at pagpapalalim ng pagtitiwalaan at kooperasyon.
Naniniwala aniya siyang ang ika-4 na summit ng CICA ay magbibigay ng ambag sa pagpapahigpit ng diyalogo, pagtitiwalaan, at pagtutulungan ng mga bansang Asyano upang maging mapayapa, matatag at kooperatibo ang buong Asya sa hinaharap.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |