|
||||||||
|
||
Idineklara kahapon ng tropang panlupa ng Thailand ang martial law sa buong bansa at pamamahalaan ng panig militar ang lahat ng suliranin. Pero, binigyan-diin ng panig na militar ng Thailand na ang naturang hakbangin ay hindi "rebelyong militar".
Sinabi ni Army Chief Gen. Prayuth Chan-ocha na ang naturang aksyon ay naglalayong iwasan ang alitan sa pagitan ng iba't ibang paksyon ng Thailand, at mapangalagaan ang mga mamamayan ng bansa.
Nang araw rin iyon, isiniwalat ni Somchai Srisuthiyakorn, Kagawad ng Lupong Electoral ng Thailand na iminungkahi ng pamahalaan na ipagpaliban ang halalan ng mababang kapulungan sa ika-3 ng Aogosto. Ayon sa dating plano, idaraos ang naturang halalan sa ika-20 ng susunod na buwan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |