Ipinatalastas kaninang hapon ng panig militar ng Thailand ang paghawak ng kapangyarihan ng bansa. Ito anito ay naglalayong panumbalikin, sa lalong madaling panahon, ang katatagan ng bansa, sa harap ng kasalukuyang maigting na kalagayan.
Dagdag ni Prayuth Chan-ocha, Komander ng Tropang Panlupa ng Thailand, mananatiling normal ang relasyon ng Thailand sa iba't ibang bansa at mga pandaigdig na organo. Nanawagan din siya sa mga mamamayan na huwag masindak.
Bukod dito, ipinatalastas nito ang pagpapairal ng curfew sa buong bansa mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa susunod na araw.
Salin: Liu Kai