Sa magkakasanib na pahayag ng ASEAN Defense Ministers' Meeting (ADMM) na isinapubliko kahapon ng Myanmar, kasalukuyang Bansang Tagapangulo ng ASEAN, ipinahayag ng iba't-ibang panig na dapat palalimin ang relasyong pangkaibigan ng ASEAN at mga dialogue countries nito, sa mga larangang gaya ng estratehiya, suliraning pandepensa, at seguridad. Ito anila ay upang mapasulong ang kapayapaan at kaligtasan sa rehiyon.
Inulit ng pahayag na kinakatigan ng ADMM ang natamong bunga ng Ika-24 na ASEAN Summit, at "Nay Pyi Taw Declaration" tungkol sa pagtatatag ng komunidad ng ASEAN sa taong 2015.
Salin: Li Feng