Sa Shanghai — Kinatagpo noong Lunes ni Meng Jianzhu, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), si Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia.
Sinabi ni Meng na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na umuunlad ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Cambodia. Noong nagdaang Linggo, nagkaroon ng mabungang pagtatagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Hun Sen, at narating din nila ang mga mahalagang komong palagay, dagdag pa ni Meng. Aniya pa, dapat isakatuparan ng dalawang bansa ang nasabing komong palagay at magkasamang pangalagaan ang seguridad at katatagan ng sariling bansa.
Ipinahayag naman ni Hun Sen ang pag-asang mapapalakas ang komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina.
Salin: Li Feng