Nakausap kahapon sa Malakanyang ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas si Nguyen Tan Dung, dumadalaw na Punong Ministro ng Biyetnam. Sumang-ayon ang dalawang panig na palakasin ang kooperasyong pantanggulan at panseguridad ng dalawang bansa.
Sa isang preskong idinaos pagkatapos ng pag-uusap, isiniwalat ng Pangulong Pilipino na tinalakay nila ni Nguyen Tan Dung ang tungkol sa kung paanong mapapalalim ng dalawang bansa ang pagtitiwalaan, mapapataas ang kakayahang pantanggulan, at mapapalakas ang pagkokoordinahan at pagtutulungan, para maharap ang mga hamon sa seguridad.
Salin: Li Feng