|
||||||||
|
||
Nagtagpo ngayong araw sa Shanghai sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Mahinda Rajapaksha ng Sri Lanka.
Sa kanilang pagtatagpo, ipinahayag ni Xi na nakahanda ang Tsina, kasama ng Sri Lanka, na pahigpitin ang kanilang pagpapalagayan sa mataas na antas, at pagpapalitang pangkultura. Umaasa aniya siyang mapapasulong ng dalawang bansa ang mga kooperasyong pandagat at maisasagawa ang talastasan hinggil sa malayang sonang pangkalakalan.
Ipinahayag naman ni Mahinda Rajapaksha na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Tsina, na pasulungin ang kooperasyong pandagat, at ang talastasan hinggil sa malayang sonang pangkalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, pagpapalagayan ng mga mamamayan, at seguridad sa internet.
Bukod dito, ipinahayag din ni Xi na pinasigla ng pamahalaang Tsino ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga proyekto ng Sri Lanka na gaya ng sonang industriyal, sonang pangkabuhayan, koryente, lansangan at daambakal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |