|
||||||||
|
||
Sinabi ni Prayuth Chan-ocha, Komander ng Hukbong Panlupa ng Thailand, na ito ay para maiwasan ang paglala ng tensyon sa bansa at pagkaganap ng mas malaking kasuwalti ng mga mamamayan.
Ipinatalastas din ng panig militar na pansamantalang pinawalang-bisa ang Konstitusyon at binuwag ang caretaker government.
Bilang tugon sa pinakahuling kalagayan sa Thailand, ipinahayag kahapon ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang panibagong pangyayari sa Thailand ay makakaapekto sa relasyon ng dalawang bansa. Isinasaalang-alang aniya ng panig Amerikano kung ititigil o hindi ang tulong sa Thailand.
Ipinahayag naman ni Ban Ki-moon, Pangkalatahang Kalihim ng UN, ang kanyang pagkabahala sa pinakahuling kalagayan sa Thailand. Nanawagan siya para sa agarang pagpapanumbalik ng "civilian rule" sa bansang ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |