|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya kay Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo ng Tsina, na dumalo sa ika-18 St. Petersburg International Economic Forum.
Ipinahayag ni Putin na sa kanyang pagdalo sa katatapos na Summit ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA) na idinaos sa Shanghai ng Tsina, nilagdaan ng Rusya at Tsina ang mga malaki at mahalagang dokumentong pangkooperasyon. Naniniwala aniya siyang ibayo pang mapapasulong ng dalawang panig ang mga bilateral na kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Sinabi ni Li na nakahanda ang bansang Tsina, kasama ng Rusya, na palakasin ang pagkatig sa isa't isa sa larangang pulitikal, palalimin ang mga komprehensibong kooperasyon, at pahigpitin ang pagtutulungan sa mga suliraning pandaigdig.
Nang araw ring iyon, nagtalumpati si Li sa St. Petersburg International Economic Forum. Nanawagan siya sa iba't ibang bansa sa daigdig na magtulungan, at palalimin ang pagtitiwalaan sa isa't isa para maharap ang mga hamon at maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |