Mula kamakalawa hanggang kahapon, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ilang high-tech enterprises sa Shanghai, lunsod sa silangan ng bansa.
Binigyang-diin ni Xi na mahalagang mahalaga ang inobasyong pansiyensya at panteknolohiya para sa pagpapalakas ng komprehensibong puwersa ng bansa, at pagpapaunlad ng mga paraan ng pamumuhay at produksyon. Dapat aniya lubos na pahalagahan ang usaping ito. Iniharap din ni Xi ang kahilingan na matamo ang breakthrough sa ilang masusing larangan ng hay-tek na gaya ng paggawa ng kagamitang medikal, eroplano, at iba pa.