Sinabi ngayong araw ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na pumasok kahapon ng umaga ang dalawang eroplano ng Self-Defense Force ng Hapon sa Air Defense Identification Zone ng Tsina sa East China Sea, para magmonitor sa magkasanib na pagsasanay militar na pandagat ng Tsina at Rusya. Bilang tugon, lumipad naman ang ilang eroplano ng tropang Tsino, para igarantiya ang maalwang pagdaraos ng pagsasanay militar na ito.
Ayon pa rin sa naturang ministri, batay sa pandaigdig na norma, ipinatalastas ng panig Tsino at Ruso ang no-entry zone sa lugar na pinagdausan ng nabanggit na pagsasanay militar, at ipinaalam na sa labas ang hinggil dito. Ang pagpasok ng mga eroplanong militar ng Hapon sa lugar na pinagdausan ng pagsasanay militar ay grabeng paglabag sa pandaigdig na batas, at posibleng magdulot ng di-inaasahang pangyayari. Hinihiling din ng panig Tsio sa panig Hapones na itigil ang lahat ng pagmomonitor at panggugulo sa nabanggit na pagsasanay militar.