Ipinatalastas kahapon ng panig militar ng Thailand na binuwag nito ang Mataas na Kapulungan ng bansa, at kinuha ang legislative power. Ito ay palatandaang napawalang-bisa ang buong sistemang demokratiko ng Thailand.
Bilang tugon sa mga pinakahuling pangyayari sa Thailand, ipinatalastas kahapon ng Kagawaran ng Tanggulan ng Amerika ang pagkansela sa ilang nakatakdang plano ng kooperasyong militar sa Thailand na kinabibilangan ng isang magkasanib na pagsasanay militar at pagdadalawan ng mga mataas na opisyal ng panig militar ng dalawang bansa. Ayon sa Kagawaran ng Estado ng Amerika, ito ay naglalayong himukin ang panig militar ng Thailand na panumbalikin sa lalong madaling panahon ang civilian rule.