Sinimulan kaninang umaga, local time, ang halalang pampanguluhan ng Ukraine. Lumahok sa halalan ang 21 kandidato na gaya nina Petro Poroshenko, bilyonaryong may palayaw na "Chocolate King," Yulia Tymoshenko, dating Punong Ministro, at iba pa.
Sa kasalukuyan, nananatiling ligalig ang kalagayan sa mga lugar sa silangang Ukraine, at posible itong magdulot ng di-matatag na elemento sa halalang pampanguluhan. Pero, umaasa pa rin ang pamahalaan ng Ukraine, na sa pamamagitan ng halalang ito, mapapanumbalik ang katatagan ng kalagayang pulitikal ng bansa.