Ipinalabas kamakailan ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang pinakahuling quarterly report hinggil sa kooperasyon ng organisasyong ito at Iran. Sinabi ng ulat na natupad ng Iran, ayon sa nakatakdang iskedyul, ang mga tungkulin nito sa ilalim ng balangkas ng kooperasyon ng dalawang panig.
Kaugnay nito, nagpahayag kahapon ng pagtanggap ang Iran sa ulat na ito. Anito, ipinakikita ng ulat na natupad ng Iran ang mga pangako nito sa IAEA, at maganda ang pagtutulungan at pagtitiwalaan ng dalawang panig. Pero, nagkakaroon din ng reserbasyon ang panig Iranyo sa bahagi ng ulat na ito hinggil sa sangsyon ng UN Security Council laban sa Iran.