Sa ika-67 World Health Assembly na ipininid kahapon sa Geneva, pinagtibay ng World Health Organization (WHO) ang resolusyon hinggil sa traditional medicine. Kinikilala sa resolusyon ang papel at nakatagong lakas ng traditional medicine sa pangangalaga sa kalusugan ng mga tao, at itinakda ang estratehiya hinggil sa pagpapaunlad ng traditional medicine.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang Guoqiang, Pangalawang Direktor ng National Health and Family Planning Commission ng Tsina, at puno ng delegasyong Tsino sa naturang asembleya, na nilinaw ng resolusyong ito ang direksyon, mga kahilingan, at mga paraan hinggil sa pagpapaunlad ng iba't ibang bansa ng traditional medicine. Makakabuti aniya ito sa pag-unlad ng traditional medicine ng Tsina, Indya, Aprika, at iba pang lugar.