Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakailan ng panig opisyal ng Tsina, nitong ilang taong nakalipas, tuluy-tuloy ang mabilis na paglaki ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Biyetnam. Nitong siyam na taong nakalipas sapul noong 2004, ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Biyetnam
Ayon naman sa estadistika, hanggang katapusan ng nagdaang Marso ng taong ito, ang halaga ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa Biyetnam ay umabot sa 1.93 bilyong Dolyares, at ito ay nasa ikasiyam na puwesto sa mga bansang namumuhunan sa Biyetnam.
Salin: Liu Kai